Home NATIONWIDE Mans Carpio ‘very relevant’ sa ‘unexplained wealth’ ni VP Sara – Ridon

Mans Carpio ‘very relevant’ sa ‘unexplained wealth’ ni VP Sara – Ridon

6
0

MANILA, Philippines – Mahalaga umano ang mga ari-arian at negosyo ni Atty. Manases “Mans” Carpio sa kasong unexplained wealth laban sa kanyang asawang si Vice President Sara Duterte, ayon kay House impeachment prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon.

Ayon kay Ridon, may kaugnayan ang pagmamay-ari ni Carpio sa pagsusuri sa yaman ng mag-asawa.

“Very relevant po ’yung asawa po ng Pangalawang Pangulo dahil, siyempre, basically kung ano po ’yung pag-aari ni Atty. Carpio ay pag-aari din po ng ating Pangalawang Pangulo,”

Sinabi ni Ridon na makatutulong ang pagtatanong kay Carpio upang matukoy ang aktuwal na lawak ng kanilang mga ari-arian, kayamanan at mga negosyo.

Dahil dito, hindi umano isinasantabi ng prosecution ang posibilidad na ipatawag si Carpio bilang hostile witness habang sisimulan nitong iharap ang mga ebidensiya sa Article II o unexplained wealth charge sa Lunes.

Nauna nang pinayagan ng Senate impeachment court ang mga subpoena para sa bank at tax records na may kaugnayan kina Duterte, Carpio at kanilang mga kumpanya. Mahigit 1,800 financial documents ang sinusuri ng prosecution.

Samantala, sinabi ni Ridon na maaaring hindi awtomatikong magamit ni Carpio ang karapatan laban sa self-incrimination na maaaring igiit ni Duterte kung siya ang haharap bilang testigo.

Ang Article II ay nag-aakusa kay Duterte ng betrayal of public trust kaugnay ng umano’y unexplained wealth. Magsisimula ang paglalahad ng ebidensiya ng prosecution sa naturang kaso sa Lunes, Setyembre 14. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here