Home METRO Senior utas, 8 sugatan sa pagtagilid ng jeep sa Maynila

Senior utas, 8 sugatan sa pagtagilid ng jeep sa Maynila

1
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang senior citizen habang sugatan ang walong iba pa matapos tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa Rizal Avenue Extension sa Sta. Cruz, Maynila, Sabado ng hapon.

Ayon sa Vehicle Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nawalan umano ng preno ang minamanehong jeep.

Dahil dito, ibinangga umano ng driver ang sasakyan sa isang bakal na poste, na naging sanhi ng pagtagilid nito.

Sa paunang ulat, nasawi ang senior citizen matapos bumaon at tumagos sa kanyang katawan ang isang mahabang bakal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here