Home METRO Ambulao, Binga dam nagpapatuloy magpakawala ng tubig

Ambulao, Binga dam nagpapatuloy magpakawala ng tubig

1
0

BENGUET, Philippines – Patuloy na nakabukas ang tig-isang gate ng Ambuklao at Binga dams sa Benguet nitong Linggo ng umaga upang magpakawala ng tubig, ayon sa PAGASA.

Alas-8 ng umaga, nakabukas nang 0.3 metro ang isang gate ng Ambuklao Dam at naglalabas ito ng tubig sa bilis na 102.17 cubic meters per second (cms).

Samantala, nakabukas naman nang 0.5 metro ang isang gate ng Binga Dam at nagpapakawala ng tubig sa bilis na 98.51 cms.

Naranasan ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon nitong mga nakaraang linggo dahil sa Southwest Monsoon o Habagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here