NAKIKIISA ang inyong Agarang Serbisyo Lady at ang DWBL 1242 AM sa Social Security System (SSS) sa pagdiriwang ng kanilang Ika-69 na Anibersaryo at ang taunang SSS Pensioners’ Day ngayong Setyembre.
Sa ilalim ng temang “Bawat Isa Protektado, Bawat Bukas Sigurado,” muling pinatunayan ng ahensya ang walang-patid na komitment nito na maghatid ng maaasahan at inklusibong panlipunang proteksyon para sa lahat ng manggagawa at pensioners laban sa mga pagsubok sa buhay tulad ng pagkakasakit, kapansanan, at pagtanda.
Dala ng SSS ang temang “Bawat Isa Protektado, Bawat Bukas Sigurado,” binigyang-diin ng ahensya ang mandato nitong maghatid ng maaasahan at inklusibong panlipunang proteksyon para sa lahat ng manggagawa at pensioners laban sa mga pagsubok sa buhay tulad ng pagkakasakit, kapansanan, at pagtanda.
Bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga pensioners na nag-ambag sa ekonomiya ng bansa nung kanilang kabataan, muling ipinalaganap ng SSS ang mga detalye ng pinalawak na Pension Loan Program (PLP).
Inilunsad noong 2018 at pormal na inilakip ang mga surviving spouse pensioners noong Setyembre 2025, ang PLP ay binuo upang magbigay ng ligtas, abot-kaya, at may mababang interes na pautang upang hindi na kailanganin pang magsangla ng ATM card sa mga impormal na nagpapautang.
Sa ilalim ng guidelines ng programa, ang mga kwalipikadong retiree pensioners ay maaaring makahiram ng hanggang ₱300,000 depende sa kanilang Aggregate Monthly Pension, na may panahon ng pagbabayad na anim (6), 12, o 24 buwan. Samantala, ang mga kwalipikadong surviving spouse pensioners naman ay may access sa pautang na hanggang ₱150,000 na babayaran sa loob ng anim (6) o 12 buwan.
Ipinagmalaki rin ng SSS ang mababang interes ng PLP na 10% kada taon batay sa diminishing principal balance. Bukod dito, garantisado ng system na mananatili ang hindi bababa sa 40% na net take-home pension ng borrower upang tiyaking may natitira pa ring pondo ang pensioner para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.
Mabilis at madali na rin ang pag-apply sa naturang pautang. Maaari itong i-file online sa pamamagitan ng My.SSS portal (www.sss.gov.ph) o sa mga E-Center sa alinmang sangay ng SSS, kung saan ang pondong mai-aapruba ay direktang ipapasok sa enrolled disbursement account ng pensioner.
Ang taunang pagdiriwang na ito ay patunay na sa ilalim ng SSS, ang bawat bawat miyembro ay protektado ngayon, at ang kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino ay nananatiling sigurado.






