Home HOME BANNER STORY Bigtime sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Bigtime sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

4
0

MANILA, Philippines — Malaking dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahang ipatutupad sa Martes, Setyembre 15, ayon sa pinakahuling pagtaya ng Department of Energy (DOE).

Batay sa estimasyon ng DOE, posibleng tumaas ng P5.68 kada litro ang gasolina, P4.31 kada litro ang diesel, at P4.62 kada litro ang kerosene.

Iniuugnay ang panibagong price hike sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa global market.

Karaniwang inaanunsyo ng mga oil company ang kanilang opisyal na weekly price adjustments bago ang implementasyon tuwing Martes ng umaga.

Pinapayuhan ang mga motorista na bantayan ang final advisories ng mga kumpanya dahil maaaring magbago pa nang bahagya ang aktuwal na dagdag-presyo kumpara sa DOE estimate. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here