Home TOP STORIES Job Fair at iba pang programa at serbisyo, inilunsad ng Pasay LGU

Job Fair at iba pang programa at serbisyo, inilunsad ng Pasay LGU

38
0

Dinagsa ng mga kababayang mula sa ibat ibang lugar ang Job Fair at iba pang mga programang inilunsad ng Pasay LGU kasabay ng selebrasyon sa kaarawan ni PBBM na ginanap sa cuneta astrodome sa Pasay City.

Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto Rubiano ang aktibidad kung saan Umabot sa 15 companies ang nakikilahok sa naturang job fair na may kabuuang 4,660 job vacancies naman ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho.

 

Layunin ng nasabing aktibidad na maghatid ng direktang tulong, serbisyo publiko, at abot-kayang bilihin para sa mga mamamayan ng Pasay at mga karatig-lugar.

Kasama sa mga Programa at Serbisyong Ipagkakaloob sa mamayan ang ₱20 kada kilong bigas, kasama ang iba pang mga murang bilihin.

Libreng bigas para sa 500 napiling benepisyaryo mula kay PBBM.

Payout para sa libu-libong benepisyaryo ng TUPAD Program sa pamumuno ng DOLE.

Kasama din ang Serbisyong Pangkalusugan ng (DOH & PhilHealth)—Free medical consultations, risk assessment, at flu vaccination at Pamimigay ng libreng wheelchairs at iba pang tulong-medikal.

Bukod pa dito may Libreng legal assistance din mula sa Department of Justice, Bureau of Immigration, at Board of Tax Appeals.

Nagsimula ang programa ng alas 8:00 kaninang umaga at inaasahan matatapos ng alas 4:00 mamayang hapon.(CESAR MORALES)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here