Home NATIONWIDE 86,614 tawag natanggap sa 911; 96% nirespondehan sa 5 minuto

86,614 tawag natanggap sa 911; 96% nirespondehan sa 5 minuto

1
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 86,614 incident calls ang naitala ng Philippine National Police sa Unified 911 emergency response system sa unang taon ng operasyon nito, kung saan 96.38 porsiyento ang narespondehan sa loob ng limang minutong benchmark.

Batay sa datos ng PNP, 3,077 incident calls ang lumampas sa limang minutong response time.

Mula Agosto 1, 2025 hanggang Agosto 31, 2026, nakapagtala naman ang Unified 911 ng kabuuang 494,338 emergency-service calls. Sa bilang na ito, 132,232 o 26.74 porsiyento ang tinukoy na legitimate calls.

Pinakamarami sa mga incident calls na minonitor ng PNP ang may kaugnayan sa public order disturbances na umabot sa 29,746, kasunod ang 21,615 traffic-related incidents at 15,517 iba pang law enforcement at judicial matters.

Nakapagtala rin ng 10,637 public safety at emergency response calls, 4,484 kaso na may kaugnayan sa crimes against persons at 3,690 crimes against property.

Inilunsad nationwide ang Unified 911 noong Setyembre 11, 2025 bilang iisang emergency hotline para sa publiko at kasalukuyan itong may siyam na command centers sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here