Home NATIONWIDE Higit 5.78M pamilya nakatanggap na ng UPLIFT cash aid — DSWD

Higit 5.78M pamilya nakatanggap na ng UPLIFT cash aid — DSWD

3
0

MANILA, Philippines — Mahigit 5.78 milyong mahihirap, near-poor at low-income households sa buong bansa ang nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Setyembre 14.

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na papalapit na sa pagkumpleto ang pamamahagi, partikular sa Group 1 beneficiaries na kwalipikado sa one-time cash assistance.

Sa kabuuan, 3,214,485 households mula sa Group 1, na kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Walang Gutom Program, ang nakatanggap na ng ayuda.

Nasa 1,755,561 households naman mula sa Group 2 o mga mahihirap at near-poor families na natukoy sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority ang nabigyan na rin.

Samantala, 811,368 low-income SSS members sa ilalim ng Group 3 ang nakatanggap ng ayuda sa kanilang rehistradong disbursement accounts.

Patuloy naman ang field validation ng DSWD para matukoy at maabot ang mga benepisyaryo sa Groups 2 at 3 na hindi pa nakatatanggap ng kanilang unang payout.

Ayon kay Dumlao, ilan sa mga dahilan ng pagkaantala ay ang paglipat ng tirahan ng ilang benepisyaryo, pagbabago sa kanilang economic status at pagkakaroon ng dormant bank accounts. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here