Home HOME BANNER STORY P40.8M tobats nasamsam sa Taytay; 3 arestado

P40.8M tobats nasamsam sa Taytay; 3 arestado

1
0

MANILA, Philippines — Umabot sa tinatayang ₱40.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa tatlong lalaki sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal nitong Lunes, Setyembre 14, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni PDEA Director General Isagani Nerez ang mga naaresto sa mga alyas na “Diogen,” 32; “Muhammad,” 31; at “Eddienel,” 43.

Isinagawa ang operasyon bandang 5:30 ng umaga sa Sitio Dulong Bangiad, Barangay San Juan, kung saan nakumpiska ang tinatayang anim na kilo ng hinihinalang shabu.

Nakatakas naman umano ang isa pang suspek na kinilalang alyas “Abdila” at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Bukod sa ilegal na droga, narekober din umano sa operasyon ang isang M1 carbine rifle, isang M16 rifle, apat na .45-caliber pistol, mga magazine, digital weighing scale, cellphone at buy-bust money.

Sinabi ni Nerez na magpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga taong nasa likod ng operasyon at masundan ang umano’y drug network.

Mahaharap ang tatlong suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here