Home HOME BANNER STORY Comelec: BARMM polls, generally peaceful kahit 4 patay

Comelec: BARMM polls, generally peaceful kahit 4 patay

1
0

MANILA, Philippines — Tinawag ng Commission on Elections (Comelec) na “generally peaceful” ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections nitong Lunes, Setyembre 14, kahit nakapagtala ang pulisya ng 16 election-related incidents, na nagresulta sa apat na patay at 19 sugatan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, naging mapayapa sa pangkalahatan ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa kabila ng mga tinawag niyang “unfortunate incidents,” partikular sa Cotabato City.

Kinondena ni Garcia ang mga insidenteng nauwi sa pagkamatay ng ilang indibidwal ngunit sinabi niyang hindi nito napigilan ang mga botante na magtungo sa mga presinto.

Samantala, sinabi ni Police Regional Office-BAR Director Police Brig. Gen. Christopher Abecia na umabot sa 16 ang election-related incidents sa buong rehiyon, kabilang ang mga insidente ng pamamaril, trapping at pagsabog.

Batay sa pinakahuling tala ng Comelec, apat ang nasawi at 19 ang nasugatan sa mga insidenteng may kaugnayan sa halalan.

Tatlo sa mga nasawi at 15 sa mga sugatan ay sangkot sa shootout sa Datu Usman Mampen school site sa Barangay Bagua 2, Cotabato City.

Isa pa ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa karahasang sumiklab sa Pilot Central Elementary School sa Cotabato City.

Dahil sa mga insidente ng karahasan at pagkakadiskubre ng mga pre-shaded ballot, isinailalim ng Comelec sa kontrol nito ang Cotabato City at Maluso, Basilan noong Lunes.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na nananatili siyang kumpiyansa sa mataas na voter turnout, kasabay ng pagpuri sa mga botanteng nagpatuloy sa pagboto sa kabila ng mga insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here