Home HOME BANNER STORY Romualdez, swak na sa QC Jail

Romualdez, swak na sa QC Jail

1
0

MANILA, Philippines — Dumating na sa New Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez nitong Lunes ng gabi, Setyembre 14, kasunod ng utos ng Sandiganbayan na doon siya ikulong habang dinidinig ang kasong plunder laban sa kanya.

Nauna nang iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang commitment sa QC Jail matapos sabihin ng PGH na clinically stable na ang kongresista at hindi na kinakailangan ang patuloy na hospital confinement.

Hindi maaaring ilipat o palayain si Romualdez mula sa detention facility nang walang kautusan ng korte.

Nahaharap siya sa kasong plunder kaugnay ng umano’y bilyun-bilyong pisong kickbacks mula sa flood control at iba pang government infrastructure projects. Itinakda ang kanyang arraignment sa Setyembre 16, alas-8:30 ng umaga.

Iginiit naman ni Romualdez na wala siyang kasalanan at igagalang niya ang proseso ng korte.

“I maintain my innocence. Haharapin ko ang kaso. Sasagutin ko ang mga paratang,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here