MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes, Setyembre 14, kaya umakyat na sa ₱197,300,616.28 ang premyo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang bettor na tumama sa winning combination na 55-01-37-46-51-15.
Wala ring nakakuha ng jackpot sa Mega Lotto 6/45 matapos walang tumama sa kombinasyong 45-04-18-43-17-10.
Nasa ₱55,377,034.55 ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45. RNT