Home NATIONWIDE Bagyo sa labas ng PAR, posibleng manalasa sa bansa; tatawaging ‘Queenie’

Bagyo sa labas ng PAR, posibleng manalasa sa bansa; tatawaging ‘Queenie’

1
0

MANILA, Philippines — Naging tropical depression na ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at posibleng pumasok sa PAR sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA nitong Lunes, Setyembre 14.

Sa 5 p.m. weather forecast, namataan ang tropical depression sa layong 2,645 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 75 kph habang kumikilos pa-kanluran-timog-kanluran sa bilis na 35 kph.

Sinabi ng PAGASA na maaari pang magbago ang direksiyon ng sistema kaya hindi inaalis ang posibilidad na makapasok ito sa PAR.

Kapag pumasok sa PAR, tatawagin itong Queenie.

Gayunman, mababa sa kasalukuyan ang posibilidad na mag-landfall ang tropical depression o direktang makaapekto sa alinmang bahagi ng Pilipinas.

Samantala, inaasahang muling iiral ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao mula Miyerkules hanggang Biyernes, na maaaring magdala ng mga pag-ulan at thunderstorm. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here