Home NATIONWIDE Sen. Go: Atleta, ‘wag parusahan sa pagpili sa PH sa Asian Games

Sen. Go: Atleta, ‘wag parusahan sa pagpili sa PH sa Asian Games

2
0
📸 Cesar Morales

MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Bong Go na hindi dapat maparusahan ang isang atleta dahil pinili nitong katawanin ang Pilipinas sa international competition, kasunod ng posibilidad na maharap sa sanction si tennis star Alex Eala dahil sa kanyang pagsabak sa 2026 Asian Games.

Bilang chairman ng Senate Committee on Sports, sinuportahan ni Go ang paglahok ni Eala sa Asian Games sa Japan sa halip na sa China Open, isang WTA 1000 tournament.

“Hindi dapat maparusahan ang isang atleta dahil pinili niyang katawanin ang ating bandila,” ani Go.

📸 Cesar Morales

Sa ilalim ng 2026 Women’s Tennis Association rules, mandatory tournament ang China Open para sa mga kuwalipikadong manlalaro, bagama’t may mga probisyon para sa exemptions o waiver. Si Eala, na kabilang sa Top 20 ng WTA rankings, ay hindi nakalista sa China Open field matapos baguhin ang kanyang schedule.

May posibilidad dahil dito na mapatawan siya ng sanction ng WTA, bagay na umani rin ng pagkabahala mula sa ilang senador.

Samantala, sinabi ni Go na pinag-aaralan ng Senate Committee on Sports ang isang panukalang batas na magbibigay ng mas maraming pagkakataon at proteksiyon sa mga atletang pinipiling katawanin ang national team sa international competitions.

Layunin nitong matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang mga Filipino athlete sa pagpili sa pagitan ng kanilang professional commitments at pagsabak para sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here