Home HOME BANNER STORY May-ari ng kotseng nasagi ng fire truck, naningil ng danyos 

May-ari ng kotseng nasagi ng fire truck, naningil ng danyos 

4
0

MANILA, Philippines — Naningil umano ng danyos ang may-ari ng kotseng nasagi ng fire truck habang rumeresponde sa sunog sa Makati City, ngunit siya naman ay pinadalhan ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO).

Sa viral video, makikitang nahirapang makadaan ang mga fire truck sa General Macabulos Street sa Barangay Bangkal noong Sabado dahil sa mga sasakyang nakaparada sa magkabilang gilid ng makitid na kalsada at saka sumabit sa nakaparadang kotse, na nagresulta sa pagkasira ng side mirror at bahagyang pagkakaladkad sa sasakyan.

Ayon umano sa nag-upload ng video, nagtungo sa fire station at himpilan ng pulisya ang may-ari ng kotse upang singilin sa pinsala ang driver ng fire truck, ngunit tumanggi umano itong magbayad.

Kalaunan, pinadalhan naman ng LTO ng show cause order ang may-ari ng sasakyan upang pagpaliwanagin kaugnay ng insidente.

Hindi pa nakukuha ang panig ng may-ari ng kotse.

Kasunod ng viral incident, nagsagawa ng clearing operation ang Metro Manila Development Authority at Makati City government sa lugar, kung saan tiniketan at hinatak ang ilang sasakyang nakaparada sa magkabilang panig ng kalsada.

Ayon sa MMDA, may umiiral na barangay ordinance na nagpapahintulot lamang ng parking sa isang bahagi ng naturang kalsada. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here