Home TOP STORIES Mag-amang Matugas, handang makipagtulungan sa Ombudsman probe

Mag-amang Matugas, handang makipagtulungan sa Ombudsman probe

53
0

MANILA, Philippines — Tiniyak nina Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas at kanyang anak na si dating kongresista Francisco “Bingo” Matugas II na makikipagtulungan sila sa Office of the Ombudsman kaugnay ng mga alegasyong iniuugnay sa Mahayhay-Tuburan Road project sa Del Carmen, Surigao del Norte.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng mag-ama na iginagalang nila ang mandato ng Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon at nakahanda silang sagutin sa tamang proseso ang mga isyung ibinabato laban sa kanila.

Iginiit nila na mahalagang masuri ang mga alegasyon batay sa kabuuan ng mga rekord, dokumento at ebidensya at hindi lamang sa mga impormasyong lumalabas sa publiko.

Ayon sa kanila, ang preliminary investigation ang tamang proseso upang maiharap nila ang kanilang panig at maisumite ang mga dokumentong may kaugnayan sa mga alegasyon.

“Hahayaan nating gampanan ng Ombudsman ang tungkulin nito. Buo ang aming tiwala sa Ombudsman at handa kaming sagutin ang mga alegasyon at ilatag ang aming panig,” saad ng mag-ama.

Sinabi rin nila na hindi nila nais pangunahan ang magiging resulta ng proseso at mas nanaisin nilang sagutin ang mga usapin sa naaangkop na forum.

“Hahayaang magsalita ang mga dokumento at ebidensya sa tamang panahon,” dagdag nila.

Ang mga alegasyon laban sa mag-amang Matugas ay kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng Ombudsman at wala pang pinal na pagpapasya hinggil sa kanilang pananagutan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here