Home NATIONWIDE ERC kinalampag ni Win sa fuel pass-through audit sa pagtaas muli ng...

ERC kinalampag ni Win sa fuel pass-through audit sa pagtaas muli ng presyo ng langis

1
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na mag-audit ng fuel pass-through upang matiyak na ang anumang karagdagang pagtaas sa singil sa kuryente ay makatwiran at makatarungan.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na kasunod ito ng pagtaas ng halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan na  lumampas na sa P100 kada litro ang presyo nito. 

Aniya, nakababahala ang sitwasyon na maaaring muling humarap ang   mamimili sa mas mataas na billing sa kuryente. 

Una nang inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 581 na naglalayong imbestigahan ang kawalan ng regular na audit sa halaga ng gasolina at krudo.  

Nitong Hunyo ngayong taon, naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na average na singil sa kuryente sa kabahayan sa Timog-Silangang Asya na P12.43 kada kilowatt-hour (kWh), na mas mataas kaysa sa P12.34 kada kWh na singil sa Singapore. 

Binigyang-diin ni Gatchalian na dahil sa mataas na generation charges at kakulangan sa pagsusuri ng aktuwal na gastos sa fuel, mas kailangan ngayon ang higit na transparency at accountability para matiyak na naibibigay ang kuryente sa pinakamababang posibleng halaga. 

Halimbawa sa kaso ng Meralco, aniya, malaking bahagi ng generation charges ng distribution utility ay napupunta sa fuel para sa mga kinontratang suplay nito ng liquefied natural gas at coal. Noong Hulyo 2026, umabot sa 86.16% ng kabuuang generation charges nito ang gastos sa fuel. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here