Home NATIONWIDE Tulfo kinuwestiyon TESDA sa tipid na paggamit ng pondo, scholarship issues

Tulfo kinuwestiyon TESDA sa tipid na paggamit ng pondo, scholarship issues

3
0

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Sen. Erwin Tulfo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sa mababang paggamit ng pondo at mga problemang nakita sa scholarship programs nito sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2027 budget ng ahensya.

Binanggit ni Tulfo ang mga audit finding ng Commission on Audit (COA), kabilang ang P3.6 bilyong accounting errors at omissions na hindi pa umano naitatama. Kinuwestiyon din sa pagdinig ang P574.9 milyong scholarships na naibigay umano sa learners na may kuwestiyon sa eligibility, gayundin ang P197.4 milyong allowances na napaagang na-release, hindi na-release o hindi na-claim.

Sinabi ng COA na nagpapatuloy pa ang validation sa mga dokumento at liquidation reports ng TESDA kaugnay ng audit findings.

Ayon naman sa TESDA, nakikipag-ugnayan na ito sa COA at sa mga regional at provincial offices upang tugunan ang mga problema, kabilang ang validation at pagwawasto ng records.

Kinuwestiyon din ni Sen. Bong Go ang mga programang nananatiling hindi naipatutupad kahit may pondong inilaan pa noong 2025, habang binanggit ang mababang utilization ng ahensya.

Humihingi ang TESDA ng karagdagang pondo para mapalawak ang scholarship slots sa 2027. Nauna nang sinabi ni TESDA Secretary Kiko Benitez na ang dagdag na P5.3 bilyon para sa scholarship programs ay maaaring makapagbigay ng training sa humigit-kumulang 162,000 karagdagang learners.

Gayunman, sinabi ni Tulfo na hindi muna niya susuportahan ang dagdag na pondo hangga’t hindi nareresolba ang mga audit issue ng ahensya.

Nakatala rin sa transparency portal ng TESDA ang mga dokumento para sa FY 2027 budget proposal nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here