Home NATIONWIDE 11-anyos nalunod matapos sagipin 2 pinsan sa Laoag

11-anyos nalunod matapos sagipin 2 pinsan sa Laoag

3
0

LAOAG CITY — Nasawi ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos niyang mailigtas sa pagkalunod ang dalawa niyang menor de edad na pinsan sa dagat sa Barangay 33-A La Paz, Laoag City.

Ayon sa ama ng biktima, nagtungo ang kanyang anak sa tabing-dagat upang tumulong sana sa paghila ng lambat.

Habang hinihintay ang pagdating ng mga bangka, napansin ng bata na nalulunod ang dalawa niyang pinsan na naliligo sa dagat kaya agad niya silang sinaklolohan.

Matagumpay niyang nailigtas ang dalawa ngunit siya naman ang nalunod.

Dinala ang bata sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival. Patuloy namang nagpapagaling ang kanyang dalawang pinsan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here