Home NATIONWIDE Baha, plano ng DPWH gawing recycled water source sa Rizal Park

Baha, plano ng DPWH gawing recycled water source sa Rizal Park

3
0

MANILA, Philippines — Bukod sa pagkontrol sa pagbaha, plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gamitin din ang maiipong tubig sa proposed detention basin malapit sa Manila Bay para sa pangangailangan ng Rizal Park.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, iminungkahi ng National Parks Development Committee na i-recycle ang maiipong tubig-baha upang magamit sa pagdidilig at iba pang pangangailangan ng parke.

Aniya, makatutulong ito upang mabawasan ang konsumo ng tubig sa Rizal Park sa gitna ng lumalaking demand sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Target ng DPWH na simulan sa 2027, kung mapopondohan, ang pagtatayo ng detention basins sa Rizal Park at Quirino Grandstand.

Inaasahang makatutulong ang mga pasilidad upang maibsan ang pagbaha sa Ermita, Malate at Paco sa Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here