Home NATIONWIDE Hirit ni Romualdez na ilipat ng ospital tinanggihan ng korte

Hirit ni Romualdez na ilipat ng ospital tinanggihan ng korte

2
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ni House Speaker Martin Romualdez ng motion for reconsideration para sa hospital transfer.

Ang mosyon ay inihain ni Romualdez noong Setyembre 14 kung saan hiniling niya sa korte ang mga sumusunod:

Na ang utos para ilipat si Romualdez mula sa UP-PGH patungong Quezon City Jail ay i-hold; at si Romualdez ay ilipat sa government hospital sa Quezon City.

Tinukoy ni Associate Justice Karl Miranda ang testimonya ni UP-PGH Medical Director Dr. Gerardo Legaspi kung saan sinabi nitong si Romualdez ay clinically stable at hindi nangangailangan ng confinement.

Idinagdag pa niya na walang pangangailangan na ilipat si Romualdez sa tertiary hospital dahil ang kanyang medical condition ay kontrolado at mapapangasiwaan sa labas ng ospital.

“Any invocation of ill health is not sufficient for an accused’s continued confinement at a hospital,” sinabi ni Miranda.

Dagdag pa, hindi kailangang tugunan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang bawat kondisyon na hinihiling ng akusado.

Ito ay matapos sabihin ng abogado ni Romualdez na si Jose Roy na ang Payatas jail ay kulang sa ECG machine at hindi makakapagsagawa ng blood-marker tests sa kanyang kliyente kung kinakailangan.

“No, your motion is denied. You (Atty. Jose Roy) said the court overlooked yung sinasabing continued medical requirements… You are the one overlooking yung [report of BJMP] na they have rapid access to ECG… that’s the purpose of an ambulance,” sinabi ni Miranda.

Inatasan din nito si BJMP warden JSupt. Pacion na humiling ng pondo mula sa Department of Budget and Management para sa pagbili ng ECG machine na gagamitin ng lahat ng persons deprived of liberty (PDLs). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here