Home METRO Lola dedo sa sunog sa LucenaMETRONATIONWIDETOP STORIES Lola dedo sa sunog sa LucenaSeptember 16, 2026 19:0010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay sa sunog ang 74-anyos na lola sa gilid ng ilog Dumacaa sa Lucena City, Quezon nitong Martes, Setyembre 14.Ayon sa Lucena police, ang sunog ay sumiklab bandang 3:30 ng hapon sa residential area malapit sa tulay ng ilog sa Barangay Market View.Sa inisyal na report, 17 tirahan na pawang gawa sa light materials ang nasunog bago maapula ng mga bumbero ang apoy matapos ang mahigit isang oras.Narekober na lamang ng mga bumbero ang sunog nang labi ng biktima sa loob ng banyo ng nasunog na bahay.Hindi naman natukoy kung saan ang mga kasamahan nito sa bahay nang sumiklab ang sunog.Nasa 34 pamilya ang nawalan ng tirahan dahilsa insidente na pansamantalang tumutuloy sa evacuation center at inaayudahan ng pamahalaan.Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng pinsala.Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/JGC