Home NATIONWIDE Drug den sa Bulacan winasak, tatlo arestado

Drug den sa Bulacan winasak, tatlo arestado

1
0

BULACAN – Winasak ng nga awtoridad ang isang pugad umano ng ipinagbabawal na droga, habang naaresto tatlong (3) indibidwal kabilang dito ang maintainer operator ng drug den sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City.

Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na si alyas “Andoy”, 31 anyos na operator ng drug den at mga kasabwat nitong sina alyas “Ravy” (female), 24 anyos at “Junior”, 43 anyos na pawang mga residente sa naturang lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may standard drug price na P54,000, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa buybust.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here