MANILA, Philippines — Umabot sa 85 pamilya na naninirahan sa paligid ng Estero Tripa de Gallina sa Malate, Manila ang nakatanggap ng tig-P10,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasabay ng paghahanda para sa kanilang relokasyon.
Sa naturang bilang, 49 pamilya ang nakatakdang ilipat sa ready-for-occupancy housing units ng National Housing Authority (NHA) sa San Ildefonso, Bulacan.
Makakatanggap din ang bawat pamilyang ililipat ng karagdagang P10,000 sa araw ng relokasyon para sa kanilang pangunahing pangangailangan.
Samantala, 36 pamilya naman ang maaaring makatanggap ng anim na buwang rental subsidy habang hinihintay na matapos ang kanilang permanenteng tirahan.
Magbibigay din ang Manila Department of Social Welfare ng food boxes upang matulungan ang mga pamilya sa panahon ng kanilang paglipat.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa DSWD, NHA at iba pang ahensya upang matiyak ang maayos na relocation process. RNT