Home NATIONWIDE Carpio: 21 senador lang dapat isama sa impeachment vote ni VP Sara

Carpio: 21 senador lang dapat isama sa impeachment vote ni VP Sara

3
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na 21 senador lamang ang kuwalipikadong isama sa pagbibilang ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Carpio na hindi dapat isama sa denominator para sa kinakailangang two-thirds vote ang mga senador na hindi kuwalipikadong bumoto dahil sa pagkakaditine o hindi pa nakapanumpa bilang senator-judge.

“That’s the present situation now. 21 lang ang senator-judges natin ngayon,” ani Carpio.

Partikular niyang tinukoy sina Sens. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada, na kapwa nakakulong kaugnay ng magkahiwalay na kasong plunder, gayundin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na hindi nakapanumpa bilang senator-judge. Nauna nang hiniling sa impeachment court na payagang makadalo sa paglilitis sina Marcoleta at Estrada.

Nakasaad sa Konstitusyon na kailangang sang-ayunan ng two-thirds of all the Members of the Senate ang conviction sa isang impeachment case at dapat nakapanumpa o nakapag-affirmation ang mga senador kapag umuupo bilang impeachment court.

Kasalukuyang pinagdedebatehan sa impeachment court kung mananatili sa 16 boto ang kailangan upang ma-convict si Duterte o kung maaaring baguhin ang bilang depende sa mga senator-judge na legal na makaboboto.

Noong Setyembre 16, tatlong dating punong mahistrado ang nagsabing hindi awtomatikong nakapirmi sa 16 ang threshold, habang nanindigan si retired Associate Justice Adolfo Azcuna na dapat nakabatay ito sa buong 24-member Senate. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here