Home NATIONWIDE Negosyanteng babae pinagbabaril ng nagpakilala delivery rider

Negosyanteng babae pinagbabaril ng nagpakilala delivery rider

1
0

MANILA, Philippines – Isang misis ang binaril at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan mula sa isang nagpakilalalang delivery rider sa Brgy Tejero, General Trias, Cavite.

Sa report ng pulisya, kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Holie, 37 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Dream Homes Subd ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente.

Kasalukuyang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang may dumating na Lalamove rider.

Nang silipin ng biktima, nakita nito ang isang motor na may box ng naturang kompanya ngunit hindi inaakala ng biktima na nagpanggap lamang ito na may parcel upang lumabas ito ng bahay.

Nang aabutin na ng biktima ang parcel, isa pang motor na nakahinto sa kabilang kalsada lulan naman ng riding in tandem ang biglang umarangkada papalapit at agad na binaril ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib at tiyan.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, may kliyente umano ang biktima na umabot na sa ₱1 milyon na hanggang sa ngayon ay hindi pa siya nababayaran na posibleng isang tinitingnang naging motibo sa tangkang pagpatay.

Napag-alaman na nagpasya umanong sampahan ng kaso ang nasabing kliyente nito kaugnay sa hindi pagbabayad ng utang.

Sa isinagawang follow-up ng pulisya, kasalukuyang nagsasagawa na ng manhunt operation dahil na nakilala ang mga suspek sa tulong na din ng mga CCTV footage pati ang motor na ginamit ng mga ito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here