MANILA, Philippines – Pinawalang-sala ng Korte Suprema si McGill Esquillo Omandam sa kasong paglabag sa liquor ban noong 2019 elections.
Sa desisyon ng Supreme Court, hindi napatunayan ng prosekusyon na aktuwal na uminom ng alak si Omandam sa panahon ng liquor ban.
Naaresto lamang siya matapos i-report na may nagkakagulo at tila lasing umano, ngunit walang pulis na nakakita sa kanya na aktuwal na umiinom.
Dahil dito, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kanyang conviction.
Binigyang-diin ng Korte na madali sanang mapatunayan ang krimen kung nagsagawa ang mga pulis ng field sobriety test, breath analyzer, o chemical test.
Hindi rin umano isinailalim sa fingerprint examination o forensic test ang mga bote ng alak upang matukoy kung nahawakan nga ito ni Omandam. Jocelyn Tabangcura-Domenden