Manila, Philippines – Si Edu Manzano pa ba ang mawawalan ng hanash tungkol sa mga tiwaling nakapuwesto sa gobyerno?
Sa kabila nga ng disgusto ng aktor ay may panalangin siya–delivered nga lang the sarcastic way.
Aniya: “A PRAYER FOR THE CORRUPT. May every peso you stole become a witness against you.
“May every ghost project haunt you. May every flooded home, every displaced family, and every life lost remind the country what your greed has done.
“But hell has no VIP entrance, no political padrino, no special treatment and absolutely no bail.”
‘Di pa nakuntento, may hirit pa si Edu: “‘Di kami tanga. Pero wag din nating hayaang tratuhin tayong tanga. Taun-taon, baha. Taun-taon, rescue. Taun-taon, may namamatay.”
Bilyun-bilyon daw ang earmarked for flood control, pero ang kalidad ng mga proyekto’y walang pagbabago.
Yumayaman din daw ang lilan.
Giit ng aktor: “‘Di sapat ang magising, kailangang maningil.
“Ibalik ang pera. Pangalanan ang mga sangkot. Ikulong ang mga magnanakaw!”