Home NATIONWIDE Pagawaan ng nutrient-rich foods sa Pangasinan personal na binisita ni PBBM

Pagawaan ng nutrient-rich foods sa Pangasinan personal na binisita ni PBBM

3
0

MANILA, Philippines – PERSONAL na nagpunta sa Pangasinan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang bisitahin ang Nutridense Food Manufacturing Corporation o NFMC sa bayan ng Santa Barbara.

Nag-inspeksyon ang Pangulo sa pagawaan ng mga nutrient-rich foods kagaya ng biskwit, cereals at iba pang pagkain na nakakatulong na tugunan ang malnutrisyon sa bansa.

Katuwang ang DOST at mga inisyatiba nito kagaya ng Small Enterprises Technology Upgrading Program at commercialized food technologies ng Food and Nutrition Research Institute, nagagamit ng NFMC ang government-funded research and development, innovation and technology transfer mula sa ahensya upang suportahan ang feeding programs ng pamahalaan.

Maliban sa paglaban sa malnutrisyon, nakakatulong din ang mga lokal na produkto ng NFMC upang magbigay ng trabaho sa ating mga kababayan. May dala din itong dagdag na oportunidad sa ating local food agricultural producers, suppliers, distributors at mga MSME.

Mas masustansyang pagkain, mas maraming oportunidad, mas epektibong pananaliksik at teknolohiya, iilan lamang ito sa bunga ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa isang mas malusog na bagong Pilipinas.

Matapos bumisita sa NFMC ay tumungo naman ang Pangulo sa Santa Barbara Central School upang saksihan ang DepEd Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP at Kalinga Caravan sa nasabing paaralan.

Sa ilalim ng programa, katuwang ng Department of Education ang PhilHealth sa paghahatid ng government services sa ating mga kababayan kagaya ng PhilHealth registration, ID registration at member data updating.

Mayroon ding medical and dental check-ups at pamimigay ng gamot at vitamins sa komunidad. Maliban dito ay nagkaroon din ng feeding program sa paaralan upang palakasin ang kampanya laban sa malnutrisyon at stunting ng mga batang mag-aaral.

Naninindigan ang Pangulo na walang puwang sa ating bansa ang gutom at malnutrisyon kaya naman patuloy ang pamahalaan sa pagtatrabaho upang tugunan ito sa pamamagitan ng mas pinalawak na school-based feeding programs.

Ngayong school year 2026 to 2027 ay mayroong 4.6 milyong estudyante mula sa public schools ang kabilang sa feeding programs ng DepEd.

Layunin ng mga ito na wakasan na ang pagkagutom ng mga mag-aaral para makapag-focus sila sa eskuwela.

Dahil sa bagong Pilipinas, patuloy lang ang trabaho para sa mga Pilipino. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here