UNITED STATES — Umaasa si US President Donald Trump na malapit nang matapos ang giyera sa Iran, habang patuloy namang lumalala ang labanan matapos madamay ang Yemen at Saudi Arabia.
Sinabi ni Trump nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 16 na umaasa siyang nalalapit na ang pagtatapos ng pitong buwan nang giyera.
“Well, hopefully we are towards the end of the war,” ani Trump.
Ayon pa kay Trump, nais umano ng Iran na magkaroon ng kasunduan.
Sinabi rin niyang nakatanggap siya ng direktang mensahe mula sa Iran, ngunit hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye.
Samantala, pinalawak ng Iran-backed Houthi fighters sa Yemen ang kanilang opensiba sa Red Sea at naglunsad ng mga drone at missile attack laban sa mga lungsod sa Saudi Arabia.
Gumanti naman ang Saudi aircraft sa pamamagitan ng pambobomba sa Yemen. RNT/JGC