Home NATIONWIDE PNP hihingi ng tulong sa ibang bansa sa pagtunton sa co-accused ni...

PNP hihingi ng tulong sa ibang bansa sa pagtunton sa co-accused ni Romualdez

1
0

MANILA, Philippines – Pinaplano ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, Setyembre 17 ang paghingi ng tulong sa ibang mga bansa para tuntunin ang co-accused ni dating House Speaker Martin Romualdez na nakalabas ng bansa.

Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang mga taong may outstanding warrant of arrest.

“Tuloy tuloy just like everybody who has an issued warrant of arrest against them ay hinahanap natin yan para mahuli, para maaresto,” sinabi ni Co.

“Now as to the one who was able [to leave the country], yun ay siguro papasok na po yung international cooperation with other countries regarding fugitives from the law,” dagdag pa.

Ang sagot ni Co ay patungkol sa kumpirmasyon ng Bureau of Immigration na nakalabas ng bansa ang co-accused ni Romualdez na si Joselyn Serenio bago pa man ilabas ang hold departure order. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here