MANILA, Philippines – Naiyak si Senador Robin Padilla matapos makita si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa personal nitong pagharap sa International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III nitong Miyerkules, Setyembre 16 makalipas ang matagal na panahon.
Matatandaan na isa’t kalahating taon na mula nang huling dumalo si Duterte sa pagdinig sa The Hague sa pamamagitan ng online video conferencing.
βI was shocked and unexpectedly shed tears of joy when I saw him. But I was also filled with sadness because I knew that Father Digong is a strong man,β sinabi ni Padilla.
βHe was capable of courage and compassion, but his 81-year-old body could no longer handle the prison,β dagdag pa.
Si Padilla ang isa sa mga mambabatas na tumutol sa pag-aresto kay Duterte.
Paulit-ulit niyang iginiit na dapat ay sa lokal na korte litisin ang dating Pangulo sa halip na
sa foreign tribunal.
Si Duterte ay nahaharap sa reklamong two counts ng murder sa crimes against humanity, at isang bilang ng murder at attempted murder sa crime against humanity sa kanyang madugong war on drugs. RNT/JGC