MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagpapakilos sa mga local government unit (LGU) upang matiyak ang paghahatid ng early childhood care and development (ECCD) programs and services sa mga batang wala pang limang taong gulang.
Ipinanawagan ito ni Gatchalian sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa panukalang 2027 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga kalakip nitong ahensya, kabilang ang ECCD Council.
Binigyang-diin ng senador na bagama’t nilagdaan noong Agosto ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), wala pang natatanggap na direksyon ang mga LGU kung paano ipatutupad ang batas sa kanilang mga
nasasakupan. Upang maipatupad ang batas, hinimok ni Gatchalian ang DILG na maglabas ng isang memorandum circular.
Sa ilalim ng batas, mandato sa mga LGU ang paghahatid ng mga programa at serbisyong may kinalaman sa ECCD.
Nakasaad din sa batas na dapat magtatag ang mga LGU ng ECCD offices na sasailalim sa administrative supervision ng local chief executives.
“Sa ngayon, nasa 33 percent ang ating participation rate. Sa 2027, 40 percent ang target natin. Sinusportahan ko ito, kaya naman panahon na upang pakilusin natin ang ating mga LGUs,” ani Gatchalian. Ernie Reyes