Home NATIONWIDE Ilang kalsada sa Maynila isasara sa ika-54 anibersaryo ng Martial Law

Ilang kalsada sa Maynila isasara sa ika-54 anibersaryo ng Martial Law

1
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Maynila sa paggunita ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

Inanunsyo ng Manila Police District (MPD) na simula alas-12:01 ng hatinggabi sa Setyembre 21, 2026, isasara ang mga kalsada sa bahagi ng Mendiola, Ayala Bridge at Liwasang Bonifacio.

Sa Mendiola, sarado ang kahabaan ng C.M. Recto Ave. mula N. Reyes hanggang Mendiola, gayundin ang Legarda mula Figueras St. papuntang San Rafael St.

Isasara rin ang kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones patungong McArthur Bridge o paligid ng Liwasang Bonifacio.

Pansamantala ring sarado ang magkabilang bahagi ng Ayala Bridge, gayundin ang eastbound lane ng Ayala Blvd. mula San Marcelino papuntang Romualdez Street.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil hindi pa tiyak kung anong oras muling bubuksan ang mga apektadong kalsada. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here