BAGUIO CITY — Nakapagtala ng Guinness World Record ang Baguio-based artist na si Adelaida Guia matapos makalikha nang mag-isa ng higanteng crocheted mandala na may lawak na 29 square meters at halos anim na metro ang diyametro.
Kinumpirma kay Guia nitong Huwebes, Setyembre 17, na opisyal nang kinilala ang kanyang likhang “Wishing Star” bilang record-setting crochet mandala.







