Home METRO Baguio artist, Guinness record holder na sa higanteng crochet mandala

Baguio artist, Guinness record holder na sa higanteng crochet mandala

1
0
📸: Adelaida Guia

BAGUIO CITY — Nakapagtala ng Guinness World Record ang Baguio-based artist na si Adelaida Guia matapos makalikha nang mag-isa ng higanteng crocheted mandala na may lawak na 29 square meters at halos anim na metro ang diyametro.

Kinumpirma kay Guia nitong Huwebes, Setyembre 17, na opisyal nang kinilala ang kanyang likhang “Wishing Star” bilang record-setting crochet mandala.

Umabot sa 69 araw ang paggawa ni Guia sa obra, na una niyang ipinakita habang ginagawa sa Rose Garden ng Burnham Park.

Isinailalim ang mandala sa opisyal na pagsukat ng mga independent validator noong Enero 22 bilang bahagi ng mga requirement para sa kanyang Guinness World Records bid.

Sa laki nito, kasya sa ibabaw ng “Wishing Star” ang 18 kataong nakahiga.

Kilala si Guia sa Baguio dahil sa kanyang malalaking crocheted mandala na dati na rin niyang ipinapakita sa Session Road. Lumipat siya sa lungsod kasama ang kanyang pamilya noong 2016 at naging aktibo rin sa lokal na creative community.

Miyembro rin siya ng Baguio Creative Council, habang ang kanilang family craft business na Abiakak ay kabilang sa mga negosyong tinutulungan ng Social Innovation Laboratory and Business Inclusion ng University of the Philippines Baguio. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here