Home METRO Barko ng BFAR sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal

Barko ng BFAR sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal

2
0

MANILA, Philippines – Sumadsad sa mababaw na bahagi ng Hasa-Hasa Shoal sa West Philippine Sea ang BFAR vessel na BRP Datu Magat Salamat habang namamahagi ng fuel subsidy sa mga Pinoy na mangingisda nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa lugar ang barko para maghatid ng fuel subsidy sa 15 hanggang 20 fishing boats sa ilalim ng Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda Program.

Tinangka munang hilahin ng mga fishing boat ang BRP Datu Magat Salamat, ngunit hindi ito nagtagumpay dahil sa low tide at limitadong pulling capacity ng mga ito.

Dahil dito, ipinadala ng PCG ang BRP Malabrigo mula Buliluyan Port sa Bataraza, Palawan, kasama ang Coast Guard divers.

Pagsapit ng 3:34 p.m., matagumpay na nahila ng BRP Malabrigo ang BFAR vessel palabas sa grounding area gamit ang 600-meter towing line, sa kabila ng malalakas na alon at hanging 22 hanggang 27 knots.

Samantala, sinabi ng PCG na namataan ang isang China Coast Guard aircraft na may tail number 11101 na nagsagawa ng aerial surveillance habang isinasagawa ang rescue operation. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here