Home HOME BANNER STORY Matibag kay Pulong Duterte: Kung may alam na anomalya sa flood control...

Matibag kay Pulong Duterte: Kung may alam na anomalya sa flood control sa Davao, isumite sa NBI

1
0

MANILA, Philippines – Ikinabigla ni NBI Director Melvin Matibag ang naging reaksyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa planong imbestigasyon ng ahensya sa mga flood control project sa Davao City.

“Unang-una I’m surprised bakit si Cong Pulong nagsasalita ng mga ganun tungkol sa isyu ng flood control sa Davao City, when hindi naman siya namin iniimbitahan,” ani Matibag.

Ayon sa NBI chief, ang pinadalhan ng subpoena ay ang regional director, district engineers at mga contractor. “Wala naman yung pangalan niya doon eh,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Duterte na dapat imbestigahan ang lahat ng ghost o substandard flood control projects, sa Davao man o saanmang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Matibag na kung may impormasyon si Duterte tungkol sa anomalya, maaari niya itong isumite sa NBI. Hinamon din niya ang kongresista na magsampa mismo ng reklamo sa halip na umasa lamang sa mga vlog.

Iginiit ni Matibag na hindi nakatuon lamang sa Davao ang imbestigasyon ng NBI. Kabilang din sa mga kasong iniimbestigahan ang mga flood control project sa Bulacan, Mindoro, Pampanga, Tarlac at Cebu.

“Lahat po ng may ebidensya na dumadating po sa amin, ini-imbestigahan,” ani Matibag. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here