Home NATIONWIDE Tolosa: Mga pahayag sa impeachment trial, public records na

Tolosa: Mga pahayag sa impeachment trial, public records na

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni prosecution counsel at spokesperson Atty. Benjamin Tolosa na ang mga pahayag niya tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na pinuna ng Senate impeachment court ay bahagi na ng public record.

Ito ang tugon niya sa show-cause order (SCO) ng korte na may petsang Sept. 16, kung saan tinukoy ang limang pahayag niya sa Sept. 8 press conference na posibleng lumabag sa sub judice rule.

“None of the challenged statements falls within the prohibition under Rule XVIII. Some concerned only procedural matters and did not evaluate merits of the case. The others merely recounted matters already placed on the public record during the proceedings,” ani Tolosa.

Ayon sa abogado, ang kanyang mga pahayag ay ginawa nang patas, tama at in good faith, at walang editorial comment. Aniya, ipinaliwanag lamang niya ang naging desisyon ng prosecution matapos makamit ang sarili nitong evidentiary objectives.

Kabilang sa mga pahayag na tinukoy ng korte ang pagsasabing “enough” ang ebidensya at “already pointing to the vice president” matapos bawiin ng prosecution ang ilang testigo. Iginiit ni Tolosa na sinabi rin niya na mga senador-judge ang may kapangyarihang magpasya kung sapat ang ebidensya para sa conviction.

Tungkol naman sa pahayag na “clearly violated” ni Duterte ang mga patakaran ng Commission on Audit sa paggamit ng confidential funds, sinabi ni Tolosa na isinalaysay lamang niya ang mga bagay na natalakay na sa paglilitis.

Hiniling ni Tolosa na kilalanin ng korte na hindi siya lumabag sa impeachment rules at huwag siyang patawan ng anumang parusa. Sa ilalim ng naunang ruling, may P30,000 multa sa unang paglabag sa sub judice rule, habang maaaring magkaroon ng karagdagang restrictions sa mga susunod na paglabag. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here