Home HOME BANNER STORY Anomalya sa Sea Games may sapat na ebidensya – NBI

Anomalya sa Sea Games may sapat na ebidensya – NBI

2
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinag-aaralan nito kung ihahain sa Department of Justice (DOJ) o Office of the Ombudsman ang reklamo kaugnay ng umano’y iregularidad sa paggamit ng pondo para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mayroon nang sapat na prima facie evidence ang ahensya para magsampa ng kaso laban sa mga indibidwal na sangkot, ngunit tatapusin muna nito ang imbestigasyon.

“We can go to DOJ (Department of Justice) para magkaroon sila ng sariling investigation, or we can go directly and file it to the Office of the Ombudsman,” ani Matibag.

Naglabas din ang NBI ng karagdagang subpoenas, kabilang sa mga trustee ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc), matapos makakuha ng bagong impormasyon mula sa dalawang testigo.

Patuloy ding iniimbestigahan ng NBI ang umano’y “triple entry” na bayad para sa cauldron na ginamit sa New Clark City, Tarlac.

Muling binanggit ni Matibag si Sen. Alan Peter Cayetano, na ayon sa kanya ay naging interim chairman ng Phisgoc ngunit patuloy umanong nagpakilalang chairman. Gayunman, sinabi niyang hindi muna ito padadalhan ng subpoena.

Nauna nang sinabi ng NBI na nakatanggap ang Phisgoc ng humigit-kumulang P6.7 bilyong pondo mula sa gobyerno. Kapag isinama ang pribadong pondo, maaaring lumampas sa P10 bilyon ang kabuuang pondong natanggap ng organisasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here