MANILA, Philippines – Tiniyak ng gobyerno na sapat ang suplay ng fuel sa bansa habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis dahil sa kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, nakahanda rin ang gobyerno na magbigay ng ayuda sa mga sektor na higit na apektado ng pagtaas ng presyo.
Batay sa datos hanggang Setyembre 14, sapat ang imbentaryo para sa 57.2 araw na suplay ng gasolina, 60.8 araw ng diesel at 39.3 araw ng LPG.
Sinabi rin ng Department of Social Welfare and Development na sapat ang pondo para sa cash assistance ng 7.5 milyong benepisyaryo ng expanded UPLIFT program hanggang katapusan ng taon. Sa ngayon, 5.79 milyon na ang nakatanggap ng kabuuang P11.8 bilyong ayuda.
Kabilang sa tulong ng gobyerno ang P12 kada litro na fuel discount para sa piling PUV drivers, toll exemption para sa provincial buses, waiver sa terminal fee ng PUVs sa PITX, 50% fare discount sa MRT-3 at LRT-2, at P1 roll-on/roll-off terminal fee.
Samantala, 14,026 overseas Filipinos na ang ligtas na naiuwi at nabigyan ng reintegration assistance. Umabot naman sa 7,185 fisherfolk at 13,701 farmers ang nakatanggap ng fuel assistance mula sa Department of Agriculture.
Patuloy din ang TUPAD emergency employment assistance para sa mga transport worker, magsasaka at mangingisda. Sinabi ng gobyerno na palalakasin pa ang ayuda kung lalala ang epekto ng mataas na presyo ng fuel, transportasyon, pagkain at production costs. RNT/MDS