Home IN PHOTOS Ikinasang kilos protesta sa Maynila, hinarang ng MPD

Ikinasang kilos protesta sa Maynila, hinarang ng MPD

4
0

MANILA, Philippines – Hinarang ng Manila Police District (MPD) ang Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) at iba pang grupo habang papalapit ang mga ito sa U.S. Embassy.

Mula sa Liwasang Bonifacio, nagmartsa ang mga grupo patungo sa embahada bilang bahagi ng “Global Week of Action for a Fossil-Free Future.”

Binigyang-diin ng protesta ang panawagan para sa pandaigdigan, makatarungan at pantay na paglipat mula sa fossil fuels, pati ang lumalalang epekto ng climate change sa Pilipinas.

Pinangunahan ng APMDD ang mga katulad na mobilisasyon sa Bangladesh, Pakistan, India, Nepal at Indonesia. ERIC OCAPAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here