Home METRO 19 pagyanig naitala sa Mayon 

19 pagyanig naitala sa Mayon 

3
0

ALBAY, Philippines – Aabot sa 19 volcanic earthquakes. ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Mayon iniulat kanina  Setyembre 18  (Biyernes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs nakataas ang  antas ng alerto 2 sa paligid ng bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.

Sinabi pa ng Phivolcs na namataan din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 700 metrong taas.

Kaugnay nito iniulat din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.

Ayon pa sa Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa anim na kilometrong (6 km)  radius Permanent Danger Zone (PDZ) malapit sa bulkan.

Mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolcs. ang pagpapalipad ng anumang  sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Samantala pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng biglaang pagputok ng bulkan, pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan at ang pag-agos ng lahar kung sakaling may matinding pag-ulan sa paligid ng bulkan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here