Home NATIONWIDE Tsina sinisi barko ng Pinas sa banggan sa WPS

Tsina sinisi barko ng Pinas sa banggan sa WPS

3
0

MANILA, Philippines – Sinisi ng China ang Philippine vessel sa banggaan sa South China Sea nitong Biyernes, Setyembre 18, at iginiit na sinadya umano nitong tumawid sa dadaanan ng barko ng China Coast Guard (CCG).

Ayon kay Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei, isang “unprofessional maneuver” umano ang ginawa ng Philippine vessel na nagdulot ng banggaan.

“It is clearly the Philippine vessel that carried out an unprofessional maneuver, deliberately crossing in front of the Chinese vessel and causing the collision,” pahayag ni Guo sa Facebook account ng Chinese Embassy sa Maynila.

Sinabi naman ng CCG na hindi umano pinansin ng Philippine vessel No. 3015 ang paulit-ulit na babala bago biglang nagpalit ng direksiyon at bumilis sa harap ng China Coast Guard vessel Sanzhou’ao.

Ayon kay CCG spokesperson Jiang Lue, nasa “rights-protection and law-enforcement” operation ang kanilang barko at iginiit na ang Philippine side ang may buong pananagutan sa insidente.

“The China Coast Guard vessel operated in a professional and standardized manner, reasonably and lawfully, and the responsibility of the collision rests entirely with the Philippine side,” ani Jiang.

Samantala, kabaligtaran naman ang pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG), na nagsabing binangga ng CCG vessel ang BFAR vessel na BRP Datu Magat Salamat habang nagsasagawa ito ng maritime patrol at fuel subsidy mission para sa mga mangingisdang Pilipino, 54 nautical miles mula sa Palawan.

Ayon sa PCG, nagsagawa muna ng mapanganib na mga maneuver ang Chinese vessel bago tumama sa BFAR ship. Nasira ang railings at bahagi ng deck structure ng barko ngunit walang naiulat na nasaktan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here