Home OPINION AKLAN TANGGAP OWWA REGIONAL OFFICE AT SERBISYONG BAGAY SA OFWs

AKLAN TANGGAP OWWA REGIONAL OFFICE AT SERBISYONG BAGAY SA OFWs

1
0

LABIS ang magiging kasiyahan ng mga mamamayan ng Aklan, lalo na ng ating overseas Filipino workers at kanilang pamilya, kung seryosong pag-aaralan ng Department of Migrant Workers ang posibilidad na paglipat o pagdagdag ng tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration sa Region VI.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang posibilidad na ilipat o magdagdag ng panibagong tanggapan sa Aklan ang OWWA ay bunga ng ilang pangyayaring nailapit sa tanggapan niya dahil sa karanasan ng ilang OFWs.

Hindi ito simpleng usapin ng kung saang lungsod nakapwesto ang isang tanggapan. Hindi na kwestyon ang lugar na pagtatayuan subalit mas malaking katanungan ay saan mas madaling makarating ang serbisyong laan para sa OFWs.

Para sa isang manggagawang nanggaling sa malayong lugar, ang pagpunta sa regional office ay hindi lamang isang biyahe. May pamasahe, pagkain, oras at kung minsan ay gastos sa matutuluyan.

At para sa pamilyang OFW na nagtitipid, bawat pisong ginagastos sa biyahe ay mahalaga.

Kaya makatwiran, ayon kay Mary Ann Yabut ng Barangay Tambuan, Malinao Aklan, na pag-aralan kung ang Aklan ay maaaring maging mas praktikal at mas accessible na lokasyon para maging Regional Office VI.

Hindi naman sinasabing basta-basta na lamang ilipat kundi magsasagawa ng feasibility study. Ihambing ang gastos. Tingnan ang accessibility.

Ang lalawigan ng Antique, Roxas City Aklan, Iloilo City at Bacolod ay nakaranas iba’t ibang problema noong nilalakad nila ang kanilang problema sa OWWA Iloilo City.

Kung mapatutunayang mas makabubuti sa mga OFW sa Aklan, ano ang dahilan para hindi ito isaalang-alang? Dahil ang OWWA ay hindi lamang isang tanggapan na may address.

Kung may pagkakataong mailapit ang serbisyo sa mga OFW, dapat itong tingnan hindi bilang kompetisyon ng mga lalawigan o lungsod, kundi bilang pagpapahusay ng serbisyo publiko.

Sa serbisyo publiko, hindi dapat ipinaglalaban kung sino ang may pakinabang.

Ang Aklanon ay handang tumanggap. Ang tanong ngayon ay kung handa ba silang ilapit ang serbisyo para sa

OFWs Sa kanilang lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here