Home OPINION PAGPAPALAKAS NG MENTAL HEALTH TRAINING PROGRAM SA TRABAHO, KAILANGAN

PAGPAPALAKAS NG MENTAL HEALTH TRAINING PROGRAM SA TRABAHO, KAILANGAN

1
0

SA isang lugar ng trabaho, napakahalaga ng implementasyon ng tinatawag na control measures. Makaiiwas tayo sa aksidente at mapapanatili ang kalusugan ayon sa umiiral na occupational safety and health standards. Ngunit may isang mahalagang aspeto ng solusyon na kadalasang hindi nabibigyan ng pansin ng ilang establisimyento. Ito ay ang mental health ng mga manggagawa.

Dear readers, hindi nakikita ang stress, anxiety at emotional exhaustion. Iba ito sa sugat o pisikal na pinsala ng ating katawan pero may malaki itong epekto sa ‘role’, kaligtasan at kalidad ng buhay ng isang empleyado.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng training programs na may kaugnayan sa mental health. Ang mga seminar na ito ay makapagbubukas sa isip ng bawat manggagawa kung paano i-handle ang stress at manaig ang pagiging positibo sa bawat dumarating na problema. Magbibigay ito ng awareness at praktikal na kaalaman kung paano makikilala ang mga senyales ng matinding stress, gayundin ang intervention sa isang kasamahang nangangailangan ng suporta at kung saan maaaring humingi ng professional help.

Mahalaga ring matutunan ng mga supervisor at employer ang tamang paghawak sa workload, working hours, workplace conflict at iba pang psychosocial hazards. Ang paghingi ng tulong ay hindi dapat ituring na kahinaan, kundi isang responsableng hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11058, may pananagutan ang employer na magbigay ng ligtas at malusog na lugar ng trabaho. Kabilang dito ang pagkakaroon ng dokumentadong hazard identification, risk assessment and control kung saan kabilang ang pagtugon sa psychosocial hazards and risks at mas malawak at komprehensibong OSH program.

Ang mental health training ay dapat suportahan ng malinaw na referral system, confidentiality, non-discrimination at maingat na pamamahala.

Ang ligtas na trabaho ay hindi lamang lugar na walang aksidente. Ito ay lugar kung saan ang bawat manggagawa ay nirerespeto, napakikinggan, at naipagkakaloob ang karapatan tulad ng mga pangangailangan at suporta sa mental health.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here