Home NATIONWIDE PH Red Cross agad rumesponde sa Banga NHS

PH Red Cross agad rumesponde sa Banga NHS

4
0

SOUTH COTABATO, Philippines – Agad na rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC) South Cotabato Chapter matapos ang pamamaril sa Banga National High School noong Setyembre 18, 2026.

Batay sa paunang ulat, anim ang sugatan at dinala sa Dantom Doctors Hospital at South Cotabato Provincial Hospital. Isa naman ang nasawi, habang ang hinihinalang bumaril ay isang estudyanteng kabilang din sa mga sugatan.

Nagpadala ang PRC ng ambulansya na may apat na tauhan at welfare team na may apat na miyembro upang magbigay ng medical assistance at Psychosocial First Aid sa mga biktima at kanilang pamilya.

Agad ding inaksyunan ng PRC ang ulat mula sa RC143 Volunteer.

“Ang aming pakikiramay ay nasa komunidad ng paaralan, at ang aming mga team ay nasa ground para matiyak na ang mga biktima ay makakatanggap ng agarang pangangalaga,” ani PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon.

“Magbibigay kami ng update habang mas maraming beripikadong impormasyon ang makakalap,” dagdag ni PRC Secretary-General Dr. Gwendolyn Pang. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here