Home NATIONWIDE Investment ombudsman planong buhayin ni Remulla

Investment ombudsman planong buhayin ni Remulla

2
0

MANILA, Philippines – Planong magtatag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ng investment ombudsman na aatasang tugunn ang mga alalahanin at isyu ng mga business leader.

Ayon kay Remulla, maraming mga business leaders at grupo ang nagdadalawang-isip na mamuhunan dahil sa political instability.

Dahil dito ay nanawagan si Remulla na bawasan ang mga requirement para sa mga negosyo na magdudulot naman ng mas maraming trabaho sa mga Filipino.

“Magtatayo kami ng… investment ombudsman,” sinabi ni Remulla.

Sa ganitong posisyon, ang mga negosyante ay makakapunta na sa investment ombudsman kung sila ay may reklamo sa lebel ng barangay o mas mataas pa.

Ang investment ombudsman ay dati nang pwesto at marami na ring mga administrasyon ang nagtangka na buhayin ito upang sugpuin ang korapsyon sa pagkuha ng business permit mula sa pamahalaan.

Noong 2017, sinubukan ni dating Trade secretary Peter Favila na maglagay ng investment ombudsman sa Department of Trade and Industry.

“We’re hiring 61 more lawyers ngayon hanggang December, then next year, we will hire 100 or 200 more,” sinabi ni Remulla.

Aminado si Remulla na may mga isyu sa ahensya gaya ng Anti-Red Tape Authority at Philippine Competition Commission ngunit hindi na niya ito ipinaliwanag. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here