Home HOME BANNER STORY Mga biktima ng trahedya sa MV June Aster magkakapareho ng testimonya, mabilis...

Mga biktima ng trahedya sa MV June Aster magkakapareho ng testimonya, mabilis kumalat apoy

3
0

MANILA, Philippines – Magkakapareho ang naging kwento ng mga pasahero ng barkong MV June Aster na nasunog sa Coron, Palawan na nagdulot ng 77 katao na nasawi at iba pang mga nawawala.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemi Cayabyab nitong Sabado, Setyembre 19, ayon sa mga pasahero ay mabilis ang naging pagkalat ng apoy.

Isinagawa naman ng mga awtoridad ang final sweep ng barko upang masiguro na lahat ng piraso ng ebidensya ay makukuha para makatulong sa imbestigasyon sa insidente.

Ani Cayabyab, ilan sa mga survivor ay may magkakaibang kwento kung ano ang nangyari noong gabi ng Setyembre 9 kung saan ang iba ay nakarinig ng pagsabog ngunit ang iba naman ay walang narinig.

Sa kabila nito, mayroong magkakaparehong elemento ang naturang istorya.

“What is consistent on those accounts is the rapid spread of fire. ‘Yan ang tinitignan natin ngayon kaya sinuyod natin ang cargo deck and engine room dahil based sa testimony ng survivor doon nila nakita ‘yung usok at apoy,” ani Cayabyab.

Naglunsad na ng magkahiwalay na imbestigasyon sa insidente. Ang isa ay patungkol sa maritime safety at ang isa naman ay patungkol sa maritime crime.

Isa sa mga tututukan sa imbestigasyon sa sunog ay ang ulat na mayroon umanong isinakay na electric vehicle sa cargo nang mangyari ang trahedya.

Sa naunang panayam sa nakaligtas na crew, sinabi kasi nito na ang sunog ay nagsimula sa cargo hold na naglalaman ng EV.

Hindi pa naman matiyak kung ang electric vehicle talaga ang sanhi ng sunog.

“We are still on search and rescue ops, we are still in high hopes na may makikita pang survivors we are using science-based information. We extended our search up to Mindoro. Hindi mapapagod hangga’t mayroong nawawala, may previous na success despite weeks may nakikita pa ring survivor, coordination sa mga coastal barangays we extended our best effort for this incident.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here