Home NATIONWIDE 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

3
0

Bulacan – Kalunos-lunos ang apat na estudyanteng namatay dahil umano sa leptospirosis sa magkakaibang araw sa bayan ng Sta. Maria.

Sa Facebook page ng Sta. Maria National High School – Supreme Secondary Learner Government nitong Setyembre 18, kinilala ang mga nasawi na sina alyas JC, alyas Andrei, alyas PJ at alyas MD.

Sinasabing si JC ay namatay noong Setyembre 1, si Andrei noong Setyembre 13 habang si PJ noong September 2 at si MD noong Setyembre 15, taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat ng nasabing Facebook page, binawian ng buhay ang mga estudyante sa magkakahiwalay na araw.

Nagluluksa at nagpaabot ng pakikiranay ang pamunuan ng nasabing paaralan sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawing estudyante. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here